Kanya-kanyang diskarte ang mga pasahero sa Philcoa, Quezon City para agad na makasakay ngayong unang araw ng transport strike.
Ang ilan sa mga pasahero na gaya ni Mang Dante, inagahang mag-abang ng masasakyan para di ma-late sa trabaho.
Sinadya raw niyang mag-commute na ng 5:30 palang ng umaga mula sa nakagawian nitong alas-6 ng umaga bilang paghahanda sa strike.
Si Alan naman na isang construction worker, nag-cutting trip na muna dahil nagtigil-pasada rin ang mga jeep sa dati nitong sinasakyang ruta.
Mayroon namang gaya ni Lazaga na handang maglakad kung talagang walang masasakyan.
Sa Philcoa, sanib pwersa na ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Quezon City Traffic and Transport Management Department para alalayan ang mga pasahero na naghahanap ng masasakyang PUV ngayong unang araw ng transport strike.
Pinapayuhan nito ang ilang commuter na sumakay na muna ng bus dahil may ilang jeep ang kakaunti lang ang bumibyahe gaya ng biyaheng Pantranco at Quiapo. | ulat ni Merry Ann Bastasa