Naglabas na ng pahayag si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves patungkol sa nangyaring pananambang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa isang Facebook live, dumistansya si Teves sa pagkakasangkot sa krimen.
Aniya, may nakalap siyang intel na may mga taong nais siyang idiin at sisihin sa pangyayari.
Ngunit punto ng mambabatas, kung talagang may nais siyang gawing masama sa namayapang governor ay noon pa aniya ito dapat ginawa.
βNapag-alaman ko kasi sa aking intel na gusto talaga ako idiin ng isang diyanβ¦huwag niyo naman sana akong gawin na instrumento para sa inyong pagsikatβ¦Anong motibo kung ngayon gagawin? Di ba? Hindi rin magiging benepisyaryo ako at ang kapatid ko. Dahil kung mawala ang gobernador, ang uupo naman ang vice governor, hindi naman ang kapatid ko na talagang nanalo nung eleksyon, pero hindi ko alam kung anong magic na nangyari, pinababa sa pwesto ang aking kapatid.β paliwanag ni Teves.
Noong 2022 Elections ay naging magkatunggali sa pagka governor si Degamo at kapatid ni Teves na si Pryde Henry Teves.
Nanalo si Teves, ngunit nang magbaba ng desisyon ang COMELEC na idinedeklara bilang nuisance ang isa pang kandidato na si Grego βRuelβ Degamo ay inilipat ang nakuha nitong boto kay Gov. Roel at pinababa sa pwesto si Teves.
Pebrero naman nang pagtibayin ng Korte Suprema ang naturang desisyon.
Panawagan naman nito sa mga tao na aniya ay nais βumepalβ at makisakay sa isyu na huwag siyang gamitin.
Ipinaabot din ni Teves ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi dahil sa insidente.
βSi Kuya Arnie, nakikiramay sa pamilya ng namatayan dahil masakit mamatayan ng kapamilya.β ani Teves.
Kasalukuyang nasa ibang bansa si Teves para aniya sa kanyang stem cell treatment. | ulat ni Kathleen Forbes