?????? ?? ??? ???? ?????????, ??? ?????? ???? ??????? ????? ?? ??? ???????? ?? ?????-??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok ding Libreng Sakay ang Office of the Vice President (OVP) sa mga apektado ng tigil-pasada ngayong araw.

Layon nitong makatulong sa Libreng Sakay na ikinasa ng iba’t ibang lokal na pamahalaan lalo at karamihan naman sa mga nasa hanay ng transportasyon ay hindi lumahok sa tigil-pasada.

Ayon sa OVP, tatlong bus ang nakakalat sa National Capital Region (NCR), Isa sa Cebu, Isa sa Bacolod, at isa sa Davao.

Patuloy na binabantayan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa hinggil sa tigil-pasada, para agad makapagbigay alalay sa mga apektado nito.

Una nang tinawag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na Communist inspired ang naturang tigil pasada, dahil sa pansariling kapakanan lamang ang iniisip ng mga nag-organisa nito at hindi ang kapakanan ng mas nakararami. | ulat ni Jaymark Dagala

Photo: Valenzuela FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us