???????? ???? ??????? ?????????? ??? ??? ??????????? ???????????? ?? ???’? ??????????????, ???????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pamamagitan ng 307 affirmative votes ay inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7027.

Layunin nitong bigyang proteksyon ang security of tenure ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na may valid na appointment oras na ipatupad na ang government reorganization program.

Sa ilalim nito bibigyang prayoridad ang naturang mga opisyal at empleyado na maitalaga sa kaparehong ranggo o mas mataas sa kanilang nakaraan na posisyon.

Sakali naman na walang bukas na posisyon na kapareho ng ranking o mas mataas, ay maaari silang bigyan ng mas mababang posisyon basta’t ito ay sumusunod sa revised implementing rules and regulations ng batas.

Nakasaad din dito na wala munang bagong empleyado ang kukunin o ipapasok hangga’t hindi nahahanapan ng bagong posisyon ang lahat ng permanent officers at employees kasama na ang temporary at casual employees.

Sa kasalukuyan, naendorso na sa plenaryo ang panukalang Government Rightsizing Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us