Sa botong 22 senador ang bumoto pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mataas na kapulungan ng kongreso ang panukalang i-institutionalize ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Program (Senate bill 1594).
Sa ilalim ng panukala, gagabayan ang mga maliliit na negosyo na pagbutihin ang kalidad, disenyo, packaging, standard, regulatory compliance, marketability, production capability at brand development ng mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Target rin ng panukalang ito na tulungan ang mga rural community na mapalago ang lokal nilang ekonomiya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga produkto ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ito sa tulong na rin ng mas maigting na koordinasyon at inisyatibo ng mga lokal na pamahalaan, national government agencies at pribadong sektor.
Para namam matiyak na ang mga produkto sa ilalim ng programa ay ang best of the best ng ating bansa, bibigyang otoridad ng panukala ang Department of Trade and Industry (DTI) na itatag ang OTOP Philippines Trustmark.
Ilalagay ito sa mga produktong tiyak na mataas ang kalidad pagdating sa design, value at marketability.
Ima-mandato rin nito ang pagkakaroon ng OTOP program office sa bawat LGU at ng OTOP Philippines Hubs sa iba’t ibang strategic ports of entry ng bansa, tourist destinations, at high-traffic retail outlets. I via Nimfa Asuncion