Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magbubura sa lahat ng utang kabilang ang interest, penalties at surcharges ng mga magsasaka na benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Dalawamput-tatlong senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 1850 at walang senador na tumutol o nag-abstain sa botohan.
Sa ilalim ng panukala, makikinabang ang dalawang klase ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs):
Una ay ang mga ARB na may Agrarian Reform Receivable (ARR) account sa Land Bank at hindi pa nababayaran o hindi pa kumpleto ang bayad ng kanilang amortization sa principal, interest, penalties, at surcharges ng kanilang mga lupain
At ikalawa ang mga nasa voluntary land transfer scheme at direct payment scheme.
Sakaling maging batas, ang condonation ay aabot sa โฑ57-billion pesos na pakikinabangan ng higit 600,000 agrarian reform beneficiaries.
Ibabasura rin ng naturang panukala ang mga “motu proprio cases” na may kaugnayan sa hindi pagbabayad ng agrarian reform beneficiaries sa Department of Agrarian Reform (DAR) at magiging exempted rin sila sa pagbabayad ng estate tax. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion