Malaki ang pasasalamat ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsususlong nito ng karapatan at proteksyon ng Filipino seafarers.
Dahil dito ay naisama ang panukalang Magna Carta of Seafarer sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measure na nagbigay daan para sa mabilis nitong pag-usad.
Nitong Lunes nang aprubahan sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala.
Umaasa naman si Salo na bibigyang importansya at diringgin din ito agad ng Senado.
βI am thankful for the support of my co-champions in Congress, and certainly to the leadership of House Speaker Martin Romualdez for recognizing the importance of this measure and paving the way for its passage. I would also like to thank the President for including the Magna Carta as one of the priority measures of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC. I am confident that the Senate will also pass the same measure soon,β ayon kay Salo.
Pangunahing layunin ng House Bill 7325 na bigyang proteksyon ang karapatan ng mga Pilipinong mandaragat sa pamamagitan ng pagalatag ng seafarersβ rights and duties; pagtitiyak sa maayos na working condition; at pagtugon sa kawalan shipboard training ng mga magaaral ng mga maritime higher educational institution at pagpapalakas sa maritime industry ng Pilipinas.
Magtatayo rin ng mga Seafarer Welfare Center na magsisilbing one-stop shop para sa lisensya, permit at iba pang documentary requirement ng seafarer.
Sa nakaraang Philippine Maritime Industry Summit 2023 sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na prayoridad ng pamahalaan ang maritime industry at ang paglinang sa kaalaman at karanasan ng mga seafarer sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes