Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa publiko na manatiling kalmado at magtiwala sa kakayahan ng PNP na resolbahin ang kaso ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.
Ang panawagan ay ginawa ng PNP chief matapos dumalo sa burol ni Gov. Degamo sa Dumaguete kasama si House Speaker Martin Romualdez at Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos kahapon ng umaga.
Inihayag ng tatlong opisyal ang kanilang taus-pusong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Gov. Degamo kasabay ng pagtiyak na makikipagtulungan ang pambansang pamahalaan sa mga lokal na awtoridad sa paghahatid ng hustisya sa lahat ng biktima ng madugong insidente.
Pinuri naman ni Gen. Azurin ang Police Regional Office (PRO) 7 sa kanilang mabilis na aksyon sa paghuli ng mga suspek sa insidente.
Nasa kustodiya na ng PNP ang tatlong suspek at mga armas na umanoβy ginamit sa pamamaril; habang na-nutralisa ang isang suspek na nanlaban. | ulat ni Leo Sarne