Muling siniyasat ni Senator Sherwin Gatchalian ang kakayahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpondo para sa Maharlika Investment Fund.
Ayon sa senador, kailangang maipakita ng BSP ang kahandaaan nito kung sakaling magkaroon ng problema sa sistema ng pagbabangko, o krisis sa pananalapi ay handa ito sa lahat ng mga hamon.
Dagdag pa ni Gatchalian, anong safeguards ang meron tayo para maprotektahan ang industriya ng pagbabangko dahil sa siyam na taong pagtataguyod ng capitalization build up ng Pilipinas ay handa itong talikuran ng BSP, para pondohan ang Maharlika Investment fund.
Binigyang-diin pa ng senador, na kailangang ipakita ng BSP na kahit na sa pinakamasamang sitwasyon ang institusiyon ay handang tumugon sa mga hamon kahit na maantala ang buong capitalization nito. | ulat ni AJ Ignacio
Photo: Senate of the Philippines