Hinikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Employers’ confederation of the philippines (ECOP) na maglatag ng mga solusyon para mapigilan ang mga manggagawang Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa.
Ito ang tugon ni Zubiri sa naging pahayag ng ECOP na hindi kakayanin ng mga kumpanya ang pinapanukala nilang dagdag na P150 na sweldo sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
Una na kasing pinahayag ng ECOP na sampung porsyento lang ng mga kumpanya sa bansa ang may kakayahan na magbigay ng ipinapanukalang wage increase at karamihan anila sa mga maliliit na negosyo ang mapipilitang magsara.
Pinaliwanag ni Zubiri na hindi na maituturing na living wage ang kasalukuyang minimum wage ng mga manggagawang Pinoy kaya karamihan ay nagde-desisyong sa ibang bansa na lang magtrabaho para magkaroon ng mas malaking kita.
Giniit ni Zubiri na kung mapapataas ang sweldo ng mga manggagawa ay mapapataas rin ang kanilang productivity.
At magreresulta naman ito pagiging maganda ng takbo ng pagnenegosyo at ng ekonomiya ng ating bansa. I via Nimfa Asuncion
See insights and ads
Boost a post
Like
Comment
Share