₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghanda ng pabuya ang Pasay LGU kung sinuman ang makapagtuturo ng kinaroroonan o mahalagang impormasyon sa kinaroroonan ng 10 pugante sa Malibay Police Station.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano 30,000 pesos kada pugante ang kanilang pabuya.

Samantala, binigyan ni Mayor Emi ng 24 oras na palugit ang Pasay Police Station upang maaresto ang mga nakatakas.

Alas-4:30 kaninang madaling araw nang tumakas ang 10 nakakulong sa Malibay Pasay Police Station kung saan sapilitang kinuha ang baril at susi at sinaktan ang Jailer. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us