Muling tiniyak ng Department of Agriculture na may sapat na suplay ng bigas sa bansa sa harap ng pangamba ng publiko sa posibleng rice shortage at price increase dahil sa banta ng El Niño.
Una nang inanunsyo ng PAGASA weather bureau na posibleng maranasan na ang epekto ng El Niño sa ikatlong quarter ng 2023 na magtatagal hanggang 2024.
Pero batay sa pagtaya ng National Rice Program, may sapat na imbak na palay para sa unang quarter ng 2023, na nasa 5.66 million metric tons (MT), na sapat sa loob ng 51 days.
Ayon sa DA, may 1.77 million MT ng panimulang stock AT 3.12 million MT ng locally produced rice.
Mayroon ding 774,050.44 MT ng imported rice batay sa Bureau of Custom import arrivals nitong March 16 at sa arrival report ng Bureau of Plant Industry nitong March 23.
Ayon naman kay Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Rex Estoperez, magkakaroon ng mas matatag na rice supply sakaling pumasok na rin ang mga aning palay ngayong March at April.
Aniya, masusuplayan ang pangangailangan ng bansa para sa 37,000 metric tons kada araw. | ulat ni Rey Ferrer