Diwa ng Araw ng Kagitingan, panatilihing buhay sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagharap sa mga hamon ng buhay -Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng paggunita sa ika-81 Araw ng Kagitingan, hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino na patuloy na lumaban at magkaisa para sa bayan.

Sa kaniyang Day of Valor message, sinabi ni Romualdez na hindi dapat makalimot ang bayan sa sakripisyo ng ating mga bayani na inialay ang buhay upang labanan ang mananakop noong World War II.

Ang katapangan aniyang ito ng ating mga bayani ay nananalaytay sa ating dugo kaya’t anomang hamon ang dumating ay tiyak na malalampasan ito ng Pilipinas.

“Today, as we commemorate Araw ng Kagitingan nationwide, we honor and recognize the gallantry of our fallen heroes, who willingly laid down their lives so that we can enjoy the blessings of freedom today…This day reminds us of a priceless legacy: that the same courage and bravery our heroes displayed in the crucible of war–in the Fall of Bataan– run in our blood, through our veins. Isang mapagpalayang Araw ng Kagitingan sa inyong lahat!” ani Romualdez.

Patunay din aniya sa katatagan ng mga Pilipino ang pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Umaasa ang House leader na ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ay magsilbing paalala na anomang hamon na kaharapin ng bansa ay pagsisikapang malampansan ng mga Pilipino.

“Let this day remind us that we are strong as a nation, that faced even with seemingly insurmountable odds we will always prevail as long as we are united, and as long as we continue to draw our strength from the virtues of our heroes. We do not give up, we press forward, and we overcome,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us