Nakapagtala lamang ng 2% misrouted insident ang pamunuan ng Manila International Airport Authority sa bagong schedule terminal rationalization assignment sa NAIA terminals ng airline companies.
Sa naturang porsyento, umabot sa 71 passengers ang naitalang na misroute o namali ng pagpunta ng terminal assignment.
Ayon kay MIAA General Manager Ceasar Choing, na may nakahandang mga shuttle buses sa mga magkakaroon ng misroute sa NAIA terminals.
Dagdag pa ni Choing, layon ng naturang programa na ma-maximize ang apat na airport terminals sa bansa kung saan inilipat ang limang international flights na mula NAIA terminal 1 patungong terminal 3 .
Kaugnay nito, ililipat na sa NAIA terminal 2 ang ilang domestic flights kaagapay ang Manila Domestic Airport o NAIA terminal 4. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio