Kumpirmasyon ng pagkamatay ng CTG leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, welcome sa National Security Council

Welcome sa National Security Council ang naging kumpirmasyon mula sa CPP-NPA-NDF na nasawi na nga noong Agosto ng taong 2022 ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Ayon kay National Security Adviser Secreatary Eduardo Año, matagal na nilang pinagsususpetyahang namatay… Continue reading Kumpirmasyon ng pagkamatay ng CTG leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, welcome sa National Security Council

Napaulat na massive data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, iniimbestigahan na ng NBI

Nagkasa na ng inisyal na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng iniulat ng cybersecurity research company VPNMentor na umano’y massive data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan kabilang ang tanggapan ng NBI. Sa naturang ulat, sinasabing nasa 1.2 milyong records ng mga kawani ng ilang government agencies ang nakompromiso kabilang ang mga… Continue reading Napaulat na massive data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, iniimbestigahan na ng NBI

Quality time, aatupagin ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin matapos magretiro sa serbisyo sa Lunes

Handa nang harapin ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr ang bagong buhay matapos ang kaniyang pagreretiro sa Lunes, April 24. Sa panayam kay Azurin matapos ang groundbreaking para sa itatayong briefing room ng PNP Public Information Office at PNP Press Corps sa Kampo Crame, sinabi niyang babawi siya sa kaniyang pamilya.… Continue reading Quality time, aatupagin ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin matapos magretiro sa serbisyo sa Lunes

Telcos, pinaghahanda sa posibleng dagsa ng mga hahabol para magparehistro ng SIM

Pinatitiyak ng isang mambabatas na handa ang mga telco sa buhos ng mga magpaparehistro ng SIM Card ngayong papalapit na ang deadline ng registration. Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, ngayong nagdesisyon na ang DICT na hindi palawigin ang April 26 deadline, ay tiyak na dadagsa ang mga last minute na magrerehistro. Dahil… Continue reading Telcos, pinaghahanda sa posibleng dagsa ng mga hahabol para magparehistro ng SIM

Napaulat na data breach sa PNP, iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na data breach sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno. Inihain ng senador ang Senate Resolution 573 para atasan ang kaukulang komite ng Senado na silipin ang naturang pangyayari. Una nang inuulat ng cybersecurity research company na VPNMentor… Continue reading Napaulat na data breach sa PNP, iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

PBBM sa mga kinauukulang gov’t agency: Bigyang-diin sa publiko ang mga benepisyo ng Regional Comprehensive Economic Partnership

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na maging malinaw sa publiko ang kagandahan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Kasunod ito ng ginawang pag-apruba ng Chief Executive para sa pagpapatupad ng commitment ng Pilipinas sa RCEP na kung saan, isang Executive Order ang ilalabas anomang araw tungkol dito. Ayon sa Pangulo, kailangang mabigyang-diin sa… Continue reading PBBM sa mga kinauukulang gov’t agency: Bigyang-diin sa publiko ang mga benepisyo ng Regional Comprehensive Economic Partnership

Projected GDP growth ng Pilipinas, nanguna sa buong Asya

Nangunguna ang ekonomiya ng Pilipinas sa buong Asya. Ito ay ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nasa 6% projected GDP growth base na din sa World Economic Outlook na inilabas ng International Monetary Fund ngayong buwang ng Abril. Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na lalo pang pag- iibayuhin ng kanyang administrasyon ang… Continue reading Projected GDP growth ng Pilipinas, nanguna sa buong Asya

Air assault exercise, isinagawa sa Zambales

Lumahok ang dalawang Black Hawk Combat Utility Helicopters ng 205th Tactical Helicopter Wing ng Philippine Air Force, sa Air Assault exercise sa Zambales na bahagi ng Balikatan 38 – 2023 military exercise. Ipinamalas ng dalawang helicopter ang mabilis na pag-deploy ng 72 sundalong ng 103rd Infantry “Mabalasik” Battalion, 5th Infantry Division, sa exercise area sa… Continue reading Air assault exercise, isinagawa sa Zambales

Walang takot at walang kinikilingang pagpapatupad ng batas, solusyon sa peace and order situation sa Negros Oriental — Sen. Escudero

Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero na ang solusyon sa peace and order problem sa Negros Oriental ay ang patas, consistent, walang takot at walang pagpabor na pagpapatupad ng batas. Hindi aniya pwede sa gobyerno ang may tinitingnan lang at may tinititingan. Ayon kay Escudero, ang solusyon sa problema ay agad na panagutin ang sinumang… Continue reading Walang takot at walang kinikilingang pagpapatupad ng batas, solusyon sa peace and order situation sa Negros Oriental — Sen. Escudero

Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng Business Permit and Business Tax Exemption certificates sa mga may-ari ng sari-sari store at carinderia sa lungsod. Alinsunod ito sa City Ordinance Number 199, series of 2022 na nagkakaloob ng full business permit at business tax exemption sa sari-sari stores at carinderia para sa tax year 2023.… Continue reading Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners