72 OFWs na na-repatriate mula sa bansang Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakauwi na sa Pilipinas ang nasa 72 overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula sa bansang Sudan.

Sinalubong ito ng mga kawani mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Eksaktong 12:59 PM o halos ala-1 na ng hapon, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang flight number SV 862 ng Saudia Airlines mula sa Jeddah.

Ang naturang OFWs ay makakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Migrant Workers at OWWA, kabilang ang kanilang pamasahe papunta sa kani-kanilang uuwian. Ang susunod na batch ng mga OFW na uuwi mula sa Sudan ay mamayang 8:45 PM. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us