Bagong renovate na PNP General Hospital, maghahatid ng mas mahusay na serbisyo medikal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang commitment ng PNP na pagkalooban ng pinakamataas na antas ng “healthcare” ang mga pulis at kanilang pamilya.

Ito ang mensahe ng PNP Chief na ipinaabot ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa pagpapasinaya ng bagong-renovate na Emergency Room ng PNP General Hospital sa Camp Crame kahapon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Gen. Acorda na ang mahusay na dinisenyo at episyenteng emergency room ay makakatulong sa pagpapaangat ng kumpiyansa at morale ng kanilang mga medical personnel.

Sa pamamagitan aniya ng bagong emergency room, ay mas mahusay na magagampanan ng PNP medical personnel ang kanilang tungkulin bilang tagapagligtas ng buhay ng mga pulis at mamayan.

Sinabi ng PNP Chief na ito ang konsepto ng kanyang programang “Serbisyong Nagkakaisa”, kung saan ang mga pulis ay hindi lang nagsisilbing “Law enforcers” kundi rin “guardians of Public Health”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us