Inamyendahan ng Bureau of Internal Revenue ang ilang mga probisyon ng umiiral na revenue issuances na nauukol sa VAT Zero-Rated transactions sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Regulations No. 3 – 2023.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang revenue regulations ay inaprobahan din ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno.
Tiwala ang BIR na makakatulong ito sa ekonomiya sa pamamagitan ng pag-akit ng mas maraming investors na handang makipag-negosyo sa Pilipinas.
Gaya ng nabanggit sa nasabing mga regulasyon, ang local purchase ng mga kalakal, mga lokal na serbisyo at mga serbisyong ibinigay para sa administrative operations ay hindi dapat ituring na “direkta at eksklusibong ginagamit” sa rehistradong proyekto o aktibidad ng isang rehistradong export enterprise.
Sabi pa ni Lumagui, maglalabas pa ng isang hiwalay na revenue issuance ang BIR partikular sa audit procedures na isasagawa ng mga revenue officer. | ulat ni Rey Ferrer