Mahigit apatnaraang DOTr personnel, nagtapos sa railway training courses, May 30, 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ng Philippine Railways Institute ang daan-daang personnel na nagtapos sa iba’t ibang railway training courses ngayong araw.

Mahigit apatnaraang indibidwal mula sa Operations and Maintenance ang nakapagtapos sa refresher training course, animnapu’t apat ang aspiring railway personnel, lima ang MRT-3 train drivers na tatanggap ng IDs at dalawa ang pinagkalooban ng Certificate of Competency.

Sa kanyang mensahe sa 12th Commencement Exercises sa tanggapan ng PRI, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Planning and Project Development Leonel De Velez na napapanahon ang pagtatapos ng mga personnel lalo’t patuloy na nadadagdagan ang railway systems sa bansa.

Ipinunto ni De Velez na maraming personnel ang kakailanganin sa operasyon, pagtatayo at maintenance ng railways dahil sa ilulunsad na proyekto sa Northern Mindanao, Panay Island at Cebu.

Bukod pa ito sa itinatayong extension ng railways sa Clark at ang plano sa Ilocos Region at Cagayan.

Ipinaliwanag naman ni Transportation Undersecretary for Administration and Finance Kim Robert De Leon na mahalaga ang kontribusyon ng mga programa ng PRI sa pag-upskill at reskill ng mga personnel at trainee kasabay ng pagpapabuti ng railway systems.| ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us