Umabot sa P35,180,000 ang suggested drug price ng 186,100 fully-grown marijuana na nakuha sa 1.6 hectares sa tatlong barangay ng Tinglayan, Kalinga ang sinira ng mga otoridad sa patuloy na marijuana eradication sa nasabing lugar.
Ayon kay PNP information officer P/Capt. Ruff Manganip ng Kalinga, ang operasyon ng joint operatives ng PNP, at PDEA ay nagsimula sa may 17- 19, 2023 sa mga bulubundukin ng barangay Butbut proper, Luccong at Balay, Tulgao sa bayan ng Tinglayan.
Walang nadakip na culivators sa naisagawang marijuana eradication.
Mula ngayon maaring linggo-linggo na ang marijuana eradication dahil natuklasan sa aerial survey at mga surveillance team unit na umabot sa isang daang hektaryang lupain sa bulubundukin ng nasabing bayan ang natamnan ng marijuana. I ulat ni Aquino Perez, RP Tabuk