Pagsasaayos ng water management policy ng bansa, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang pagkakaroon ng malinis at murang tubig para sa lahat ng mga consumer.

Giniit ito ni Revilla kasabay ng kanyang pagsuporta sa Executive Order 22 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo sa Water Resource Management Office.

Ayon sa senador, napapanahon ang pagbuo ng naturang tanggapan habang binubusisi pa ng Senado ang panukala niyang tungkol sa water regulatory commission at sa harap na rin ng banta ng krisis sa tubig ngayong dry season. 

Ipinunto ng mambabatas ang datos, na sa 109 milyong Pilipino nasa 57 million ang hindi tiyak kung malinis ang tubig na kanilang ginagamit habang nasa 11 million naman ang wala talagang mapagkukunan ng ligtas na inuming tubig.

Kaya naman, iginiit ni Revilla na dapat nang magkaroon ng polisiya para sa water supply at isaayos ang organizational functions at responsibilidad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Water Resources Board (NWRB), at Local Water Utilities Administration sa iisang komisyon.

Ito aniya ay para maiwasan ang sapawan at maihatid ang maayos na serbisyo sa tubig sa mga Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us