Sa layuning mabawasan ang mga disgrasya sa kalsada at maisulong ang kaligtasan ng bawat motorista, pasahero at pedestrian ay inilunsad ngayon ng Department of Transportation ang Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang paglulunsad ng bagong action plan katuwang ang DOTr Road Sector, iba pang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.
Ang Philippine Road Safety Action Plan (PRSAP) 2023-2028, ay binalangkas ng DOTr at ang siyang magsisilbing roadmap tungo sa road safety sa bansa.
Nakasentro ito sa mga hakbang at istratehiya para masigurong maging ligtas ang kalsada para sa lahat sa susunod na anim na taon.
Nakapaloob sa naturang action plan ang 5 pillars kabilang ang road safety management, ang pagtutulak ng ligtas na mga kalsada at mobility, safer vehicles, safer road users, at post-crash response.
Ayon sa DOTR, tina-target nitong maibaba sa 35% ang road traffic deaths sa bansa sa taong 2028. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DOTR