Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tututukan nito ang concerns ng urban poor families sa Metro Manila.
Tugon ito ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa kanyang pakikipagdiyalogo sa Urban Poor Action Committee (UPAC), na nagpaabot ng kanilang mga alalahanin at rekomendasyon para sa pambansang pabahay program ng pamahalaan.
Bilang agarang tugon sa hinaing ng urban poor groups, sinabi ni Acuzar na pag-aaralan ng technical working group at mga eksperto ng DHSUD ang kanilang concern.
Kailangan din ni Acuzar na makipag-ugnayan sa iba pang concern agencies para sa iba pang isyu tulad ng pangunahing pangangailangan, serbisyo at iba pa.
Ang urban poor groups na nagpakita ng suporta sa pabahay program ng pamahalaan ay may kasapi na 205,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) at kalapit lalawigan. | ulat ni Rey Ferrer