Binigyang-diin ni ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes ang kahalagahan ng maagang pagpapakonsulta lalo na ngayong tumataas ang bilang ng tinatamaan ng dengue sa bansa.
Aniya, malaking bagay ang maagang pagpunta sa pinakamalapit na health facility oras na kakitaan ng sintomas ng dengue.
Tinukoy ni Reyes ang datos mula DOH kung saan nakapagtala ng 51,323 dengue cases mula January 1 hanggang May 20 ngayong taon.
Ang bilang na ito ay mas 30% na mas mataas kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Para sa mambabatas, mahalaga na agad matingnan ang isang indibidwal upang maagapan ang sakit bago pa lumala.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit patuloy nitong isinusulong ang pagkakaroon ng access sa healthcare services ang mga Pilipino.
Kabilang sa hakbang ng kinatawan ang paghahain ng panukala para sa libreng annual check-up
βMalaking bagay po ang proper health-seeking behavior gaya ng pagpunta sa pinakamalapit na health facility pag nakitaan na ng sintomas ng dengueβ¦.This is why we remain focused on providing healthcare access to every Filipino without incurring additional costs.β ani Reyes.| ulat ni Kathleen Jean Forbes