Aksyon ng pamahalaan ng Kuwait laban sa mga OFWs, tinuligsa ni Senador Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman, Senador Raffy Tulfo ang hakbang ng gobyerno ng Kuwait na i-crackdown ang mga Overseas Filipnio Workers (OFWs) na biktima ng mga krimen at iba pang pang aabuso.

Kamakailan ay nagkaroon ng operasyon ang Kuwaiti government laban sa mga documented at undocumented OFWs sa naturang bansa na nagresulta sa deportation ng 350 Pinoy.

May mga claim rin aniya na ang shelters na nirerentahan ng Philippine Embassy ay may paglabag sa bilateral agreement ng Kuwait at Pilipinas.

Lahat ng ito ay nagaganap kasabay ng paggulong ng negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa temporary deployment ban na itinakda sa mga first-time domestic helpers.

Dismayado ang mambabatas sa aksyon ng Kuwaiti government dahil tila hindi aniya binigyang-pansin ang kanyang suhestiyon noon sa naging Senate hearing tungkol sa pamamaslang sa OFW na si Jullebee Ranara.

Sa nasabing hearing, matatandaan na minungkahi ni Tulfo na protektahan ang karapatan ng OFWs sa pamamagitan ng mandatory pre-engagement seminars, background checks and psychological and medical exams para sa employers ng mga domestic workers

Sinabi ni Tulfo na imbes na masunod ang gusto nating mga kondisyon ay tila binabaliktad pa nila tayo ngayon.

Aniya, hindi dapat mawalan ng karapatan ang Pilipinas na protektahan ang mga mamamayan nito dahil ang karahasan at abuso ay nangyari sa bansang Kuwait.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us