Natapos na ang farm-to-market road na proyekto ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa liblib na barangay ng Ima, Sison, Surigao del Norte.
Nakatakda itong i-turnover ngayong buwan ng Hunyo sa Lokal na Pamahalaan ng Sison.
Ang nasabing farm-to-market road na may habang 1.33 kilometers ay siyang nagdudugtong sa Brgy. Sukailang patungo sa sentrong bahagi ng bayan ng Sison.
Ayon sa LGU Sison nasa dalawampong milyong piso ang inilaang pondo ng NTF-ELCAC para sa konstruksyon ng nasabing daan.
Iniulat na dati nang benepisyaryo ng Community Support Program ng Armed Forces of the Philippines ang Brgy. Ima na apektado ng insurhensiya.
Hindi lang ang mga magsasaka ang natulungan ng farm-to-market road kundi pati na rin ang mga Tribong Mamanwa na naninirahan sa Brgy. Ima.| ulat ni May Diez| RP1 Butuan