DA Davao namahagi ng Interventions Card sa mga rice farmers sa Davao Or

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng Interventions Monitoring Card (IMC) ang Department of Agriculture Davao Region (DA 11) sa mga rice farmers sa bayan ng Banaybanay, Davao Oriental kung saan magsisilbi itong identification (ID) at cash card sa kanila.

Sa pahayag na inilabas ng DA 11 magagamit ng pamahalaan ang IMC sa pag-download ng financial interventions papunta sa account ng magsasaka, kung saan mayroon itong EMV chip na pwedeng makapag-withdraw ng pera at magagamit din sa debit purchases.

Paliwanag ni DA-11 rice alternate focal Jacinto Macoy, Jr, matatanggap ang ayuda sa pamamagitan ng IMC gaya ng P5,000 Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) at P4,000 Fertilizer Discount Voucher.

Nakipag-ugnayan naman ang DA Universal Storefront Services Corp. (USSC) para sa pamamahagi ng cash assistance I ulat ni Armando Fenequito

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us