DAR, nanindigang Korte Suprema lang ang makapipigil sa implementasyon ng Argarian Reform Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipagpatuloy nito ang pagpapatupad ng programang repormang pansakahan.

Ito’y hanggang walang kautusan ang Korte Suprema na ipatigil ang pagtatalaga ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) sa kani-kanilang mga lupang pansakahan.

Ginawa ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang pahayag sa harap na rin ng mga samu’t saring kasong isinasampa upang hadlangan ito.

Kabilang sa mga reklamo ay ang pangit na administrative capacity, korapsyon at ang pag-iral ng political influence sa implementasyon ng batas.

Sabi pa ni Estrella, tanging ang Korte Suprema lamang ang makapipigil sa DAR
na ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program sa pamamagitan ng temporary restraining order.

Ipinaliwanag naman ni DAR Undersecretary for Field Operations, Atty. Kazel Celeste, na bawat kaso sa lupa ay tinatrato sa magkakaibang pamamaraang sang-ayon sa intensyon at layunin nito.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us