Davao LGU, makikipag-ugnayan pa sa mas maraming lokal at international cities

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Davao na makipag-ugnayan sa mas marami pang local at international cities matapos ang pagbuo ng sisterhood agreement sa pagitan ng lungsod at ng Sennan sa Osaka, Japan.

Ayon kay Councilor Augusto Javier “Javi” Campos III, chairperson ng Committee on International Relations, sa kasalukuyan may mga resolution pa na tinatalakay sa konseho hinggil sa pagbuo ng sisterhood agreement sa pagitan ng Bayswater sa Perth, Australia; Monterey Park sa California, sa Estados Unidos at Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Maliban dito, plano rin ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng sisterhood deals sa South Korea at Israel.

Ayon sa konsehal, layunin ng pagkakaroon na pagkikipag-ugnayan sa iba pang mga lungsod na mapalakas pa ang palitan ng best governance practices at maging sa turismo, seguridad at kalakalan.

Makakatulong rin ito sa paghikayat ng pagkakaroon ng mas maraming negosyo at dagdag na direct flights papunta at palabas ng Davao City.

Sa kasalukuyan, nasa sampung foreign sister cities na ang lungsod ng Davao kabilang na rito ang Bitung sa Sulawesi at Manado, North Sulawesi sa Indonesia; Tacoma sa Washington, Koror sa Palau at Kauai County sa Hawaii sa USA; Nanning, Jinchang at Chongqing sa China at Kitakyushu at Sennan sa Japan.

Habang labingtatlong local sister cities naman kabilang na ang Dapitan City sa Zamboanga del Norte; Angeles City, Pampanga; Basud, Camarines Norte; San Jose del Monte, Bulacan; Liloan, Cebu; San Juan, Quezon City, at Marikina sa Metro Manila, Zamboanga City; Tagudin, Ilocos Sur; Pandi, Bulacan; at Mati City sa Davao Oriental. I ulat ni Sheila Lisondra

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us