Department of Tourism, tiwalang susunod na major tourism gateway sa bansa ang Clark, Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na mas lalong lalakas ang turismo sa bansa kapag susuportahan ang Clark, Pampanga bilang susunod na major getaway sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, mahalagang madagdagan pa ang international at domestic flights sa Clark International Airport.

Aniya, may sapat nang mga imprastraktura sa Clark para sa pagpasok ng mga turista kaya kinakailangan na lamang magamit ito ng maayos.
Dagdag ng kalihim, mahalaga ang ginagampanang papel ng lokal na pamahalaan para sa turismo ng bansa.

Nagpasalamat naman si Frasco sa Department of Transportation dahil sa mga hakbang para mapabuti ang operasyon ng naturang paliparan. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us