Kinukwestyon ng grupo ng mga abogado ang disbarment ng Korte Suprema kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon.
Partikular na sinilip ng mga abogado ang agad na pag-post ng Korte Suprema sa disbarment resolution.
Sa ilalim ng Rules of Court, nanatili ang confidentiality o pagiging private ng desisyon hanggat hindi pa pinal ang desisyon.
Sinisilip rin ng mga abogado ang kawalan ng formal complaint na naihain ni Raisa Robles.
Sinabi ni Atty. Mark Tolentino, ang pinagbatayan lang ng Korte Suprema ay isang liham na inihain ng Foreign Correspondents Association.
Ang mga batikos ni Gadon kay Robles ay nangyari sa panahon ng kampanya ng idepensa niya noon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapakalat nito ng kasinungalingan.| ulat ni Rey Ferrer