Itinuturing ni Vice President Sara Z. Duterte na malaking karangalan ang pagharap sa kanya ni Brunei Darussalam Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah.
Sa courtesy call ni VP Sara sa Crown Prince, natalakay ang “mutual concerns” sa pagitan ng Pilipinas at Brunei pati na ang pagpapatibay sa pagkakaibigan.
Sinabi ng pangalawang pangulo na kinilala rin nito ang kontribusyon ng Brunei para makamit ng Mindanao ang tinatamasang kapayapaan.
Gayundin ang pagtitiyak sa kapakanan ng libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa.
Nagpasalamat naman si VP Sara sa Crown Prince dahil sa pagbibigay sa mga OFW ng pangalawang tirahan lalo’t base sa datos ay pangatlo ang mga Pilipino sa pinakamalaking foreign population sa Brunei.
Batid naman ng pangalawang pangulo na karamihan sa mga OFW sa Brunei ay breadwinners ng pamilya sa Pilipinas.
Nasa 23,000 ang bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa Brunei.| ulat ni Hajji Kaamiño