Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang isang lalaking inakusahang terorista dahil sa umano’y pag-iingat ng mga iligal na armas
Kinilala ang naaresto na si Amith Prem Chandiramani na dinakip sa bisa ng search warrant nang salakayin ang kaniyang bahay sa Dasmariñas City kung saan, nakuha sa kaniya ang iba’t ibang baril at pampasabog.
Kasunod nito, dumulog sa pulisya ang kampo ni Chandiramani upang bigyang linaw ang ilang punto sa kaso.
Ayon sa abogado ni Chandiramani na si Atty. Edmund Magpantay, may matinding away ang kaniyang kliyente at kapatid nitong si Rajiv.
Sinasabing agawan sa mana ang ugat ng matinding away ng magkapatid na humantong pa sa arestuhan.
Gayunman, sinabi ni Atty. Magpantay na hihintayin pa nila ang isasampang kaso ng CIDG sa kaniyang kliyente bago sila gumawa ng susunod na ligal na hakbang. | ulat ni Jaymark Dagala