Pagkakapanatili ng Pilipinas sa Tier 1 ranking kontra Human Trafficking, ikinatuwa ng DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pananatili ng Pilipinas sa Tier 1 status sa ikawalong sunod na taon.

Ito’y kasunod ng inilabas na Trafficking In Persons (TIP) report ng US Department of State na kumikilala sa mga ginagawang hakbang ng Pilipinas upang labanan ang Human Trafficking.

Ayon kay DFA Spokesperson, Amb. Teresita Daza, hindi titigil ang Pilipinas sa kanilang kampaniya na labanan ang human trafficking, protektahan ang mga biktima at papapanagutin ang mga nasa likod nito.

Giit pa niya, ang ulat ng US State Department ay patunay lamang ng Whole-of-Government Approach na pigilan ang human trafficking sa pangunguna ng DFA at ng Inter- Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Patuloy aniyang isusulong ng Pamahalaan katuwang ang Civil Society at ang International Community na paigtingin pa ang mga panuntunan, batas, mekanismo at ugnayan upang masawata ang human trafficking sa bansa.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us