Pangulong Marcos Jr., hinimok na magtalaga na ng permanenteng secretary ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pagkakatalaga kina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Health secretary Teodoro Herbosa, nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
na magtalaga na rin ng permanenteng secretary ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Pimentel, panahon na para magkaroon ng pinuno ang DA para matutukan ang mga isyu sa sektor ng agrikultura, lalo na ang may kinalaman sa food security.

Sinabi ng mambabatas na dapat ay isang eksperto sa mga usapin tungkol sa sektor ng agrikultura ang i-appoint bilang DA secretary.

Pinaliwanag mg minority leader na magiging malaking tulong sa administrasyon ang pagkakaroon ng permanenteng kalihim ng agriculture department dahil makakabawas rin ito sa mga iniisip at trabaho ni Pangulong Marcos.

Sa ngayon, mismong si Pangulong Marcos ang tumatayo bilang DA secretary at ito na lang ang ahensya na wala pang permanenteng kalihim.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us