Puganteng US National na umano’y nagtatago sa Maynila, inaresto ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado sa joint operation ng Bureau of Immigration, Federal Bureau of Investigation, at US Diplomatic Security Service ang isang puganteng US National na umano’y nagtatago sa Maynila.

Ang suspect na kinilalang si William Robert Braddock III ay napag-alaman na isang undocumented alien.

May warrant of arrest din siya sa Amerika sa kasong Interstate Transmission of Threat to Injure matapos umano pagbantaan ang isang amerikanong politiko at mga kasama nito.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, natagpuan si Braddock sa bahagi ng Roxas Blvd. matapos nilang ikasa ang surveillance.

Nakadetine ang amerikano sa BI Warden Facility sa Taguig City habang hinihintay ang araw ng kanyang deportation.| ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us