SSS, umapela sa publiko na makipagtulungan sa law enforcement laban sa mga scammer o fixer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang publiko na isuplong ang mga scammer at fixer na nag-aalok ng serbisyo.

Partikular na tinukoy ng SSS ang mga naging biktima ng scammers sa SSS online transactions.

Apela ng ahensya na magsampa ng reklamo at makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation – Anti-Cybercrime Group.

Sa pamamagitan ng SSS Special Investigation Department, matutulungan ng mga ito ang law enforcement agencies na makilala ang mga scammer at makapagsampa ng kaso laban sa mga ito.

Kailangan lamang i-report ang mga mapagsamantala sa SID sa pamamagitan ng e-mail na [email protected] o pagtawag sa telepono bilang (02) 8924-7370.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us