Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kasunod ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na idinaos sa Malacañang, ngayong araw (July 5), sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga panukalang batas ang:
Build-Operate-Transfer Law,
Public-Private Partnership bill,
National Disease Prevention Management Authority, Internet Transactions Act or E-commerce law, Medical Reserve Corps,
Virology Institute of the Philippines,
Mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC), National Service Training Program (NSTP),
at ang pangukalang bubuhay o magpapalakas sa Industriya ng Asin.
Sisikapin rin maipasa ngayong taon ang:
National Government Rightsizing program,
Valuation reform,
E-government or E-governance Act,
E-sustain Taxes,
Unified System of Separation, Retirement and Pension ng military and uniformed personnel,
LGU classification,
Waste to energy bill,
New Philippine Passport Act,
Magna Carta of Filipino Seafarers,
National Employment Action Plan,
Amendment to the Anti-agricultural Smuggling Act,
Bank Deposit Secrecy Bill,
at Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Ayon kay Secretary Pangandaman, sa oras na maisabatas, malaking tulong ang bank deposit secrecy laban sa money laundering cases, terorismo, at iba pa.
Sa pamamagitan kasi aniya nito, maaaring busisiin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang bank account.
Habang ang AFASA naman ay makatutulong upang labanan ang cybercriminal o phishing, tulad ng nga insidente ng pagkawala ng pera sa GCash at bank account.| ulat ni Racquel Bayan