CAAP, kinumpirmang nakatanggap ng bomb threat ang isang flight ng Cebu Pacific nitong araw ng linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakatanggap ng bomb threat ang isang flight ng Cebu Pacific biyaheng Silay City, Negros Occidental patungong Maynila kahapon, Hulyo 2.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng “air drop” message ang mga pasahero ng Cebu Pacific flight 5J 472 na patungo sanang Maynila mula Bacolod-Silay Airport dakong alas-11:39 ng gabi.

Agad inabisuhan ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) hinggil sa insidente kaya’t pinababa ang lahat ng sakay ng eroplano gayundin ang mga bagahe rito.

Ginalugad ng Bomb Squad ang naturang eroplano para tingnan kung totoo ang naturang banta sa pamamagitan ng paneling habang sumailalim sa x-ray ang mga pasahero para sa final security check

Tumagal ng 2 oras ang naturang proseso at nang magnegatibo ito sa anumang bomba, matagumpay ding nakalipad ito dakong alas-2:18 ng umaga, sakay ang 193 pasahero nito.

Sinabi ni Apolonio na mahigpit ang ugnayan nila ng Cebu Pacific, Manila International Airport Authority (MIAA) at PNP AVSEGROUP hinggil sa palitan ng impormasyon sa insidente.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us