COMELEC, hangad ipatupad ang internet demonstration para sa overseas voting sa 2025 midterm elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Comimission on Elections (COMELEC) na maipatupad ang Internet Overseas Voting sa susunod na National and Local elections sa taong 2025.

Sa kanyang naging talumpati sa Isinagawang Internet Voting Demonstration for Overseas Voting kaninang umaga sinabi ni  COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan na ng comelec na magkaroon ng ganitong klase technological advancement para mabilis na makalap ang mga boto ng ating OFWs.

Dagdag pa ni GARCIA na maglilikha pa ito ng mas mataas na voter turnout dahil malaki ang nagagastos ng poll body sa mga kababayan nating malayo sa Embassy at Consular Offices ng  Pilipinas dahil via mail parcel ang pagpapadala ng mga balota upang makaboto lamang ang mga ito.

Kung saan hindi halos nakakabalik ang kanilang mga pinapadalang mga balota sa mga ito kaya naman nais nilang ipatupad ang naturang internet voting upang walang masayang na boto ng ating mga OFWs.

Sa ngayon ay patuloy parin ang demonstration ng mga IT companies sa COMELEC upang makita ang magiging takbo ng sistema ng bawat naturang kumpanya sa naturang online voting.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us