DSWD, nakaalerto na rin sa posibleng epekto ng bagyong Dodong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development partikular ang Regional offices nito sa pagtama ng Bagyong Dodong.

Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang regional directors na maging handa sa pagresponde sa mga indibidwal at mga pamilyang maaaring maapektuhan ng pagbaha at landslides dahil sa Habagat na dulot ng Tropical Depression Dodong.

Kasama sa direktiba ng kalihim ang pag-activate sa Disaster Response and Management Division-Quick Reaction Teams at ang pakikipag-ugnayan sa local Disaster Risk Reduction and Management Council.

Pinaghahanda na rin ng kalihim ang Disaster Response and Management Group (DRMG) ng mga family food packs (FFPs) at iba pang relief assistance na ide-deploy sa regional offices para sa augmentation ng kanilang stockpile.

Batay sa update ng PAGASA, ilan sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo ang Cagayan Valley region, CAR, Ilocos Region, at Central Luzon habang maaaring ulanin namam dahil sa habagat ang MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, CALABARZON, at Metro Manila.

Una na ring nakapagtala ang DSWD Bicol Regional Office ng pagbaha sa Polangui Albay dahil sa Southwest monsoon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us