Embahador ng Pilipinas sa Korea, Executive Vice President ng Samsung, tinalakay ang investment opportunities para sa Pilipinas 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagpupulong sina Philippine Ambassador to Korea Theresa Dizon-De Vega at Samsung Electronics Co. Ltd. Executive Vice President for Global Public Affairs Kim Won-Kyong sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul nitong Martes, July 18.

Ibinahagi ng Samsung Executive ang business at investment opportunities ng kumpanya sa Pilipinas sa hinaharap.

Ibinahagi naman ni Ambassador Dizon-De Vega na ang Pilipinas at Korea ay magdiriwang ng ika-75 taon ng Diplomatic Relations ng dalawang bansa at umaasa ang embahador na patuloy na susuportahan ng Samsung ang economic engagement sa pagitan ng Pilipinas at Korea.

Ipinaabot naman ni G. Kim na ang Pilipinas ay ang isa sa pinakamahalagang partner ng Samsung sa Timog Silangang Asya at umaasa na ang nasabing partnership ay patuloy na lumago.

Inaasahan naman ng magkabilang panig ang mas matibay na economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea, lalo na sa nalalapit na paglagda ng Philippines-Republic of Korea Foreign Trade Agreement. | ulat ni Gab Humilde

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us