Pagbili ng Php7.8M luxury cars ng PCG, kinuwestyon ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinilip ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbili ng mamahaling sasakyan noong 2022.

Sa taunang audit report, kinuwestyon ng COA ang pagbili ng anim na cylinder, 3956 CC Toyota Land Cruiser Prado na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 5 milyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Administrative Order ng Malacañang Bilang 14.

Bukod dito, gumastos din ang PCG ng Php2.8 milyon para sa bulletproofing ng nasabing sasakyan.

Ikinatwiran ng PCG, na kailangan nila ang ganoong klase ng sasakyan upang matiyak ang kaligtasan sa transportasyon ng kanilang Commandant at upang mapanatili ang kanilang mga tungkulin.

Sinita din ng mga state auditor ang pagkuha ng PCG ng mga bagong sasakyan gamit ang mga rebate mula sa Petron Corporation.

Kaugnay nito, pinagsusumite ng COA ang PCG ng post facto approval mula sa Department of Budget and Management para sa mga biniling sasakyan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us