Pagpapasa ng NGCP ng franchise tax sa mga konsyumer, pinapabago ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng mga senador na baguhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ginagawang pagpapasa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 3 percent franchise tax sa mga konsyumer.

Sa naging pagdinig ng Committee on Energy, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat akuin ng NGCP ang franchise tax at hindi ito dapat akuin ng mga consumer dahil wala itong legal na basehan.

Bagamat, una nang sinabi ng ERC na ilang sentimo lang ang katumbas ng franchise tax na binabayaran ng mga konsyumer, giniit ni Gatchalian na malaking bagay na gumagawa ng paraan ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng kuryente.

Pinunto naman ni Senate Committee on Energy chairman Senador Raffy Tulfo na aabot sa P14.9 billion ang franchise tax na ipinapasa ng NGCP sa mga consumer mula 2011 hanggang 2021.

Minungkahi naman ni Senadora Grace Poe na taasan na ang franchise tax at corporate income tax na ipinapataw ng NGCP.

Bilang tugon, nangako ang ERC na bibigyang solusyon ang mga isyung pinunto ng mga senador.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us