Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na ipapasa ng Kamara ang dalawampung priority measures na inaprubahan sa isinagawang LEDAC meeting ngayong araw.
Batay sa napagkasunduan, target mapagtibay ang dawalampung LEDAC priority bills bago matapos ang kasalukuyang taon.
“Upon the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, I together with the rest of the members of the House of Representatives will continue our efforts in realizing the President’s vision to greatly improve the Philippine economy, to reduce the prices of everyday commodities, and to increase the purchasing power of every Filipino citizen,” saad ni Romualdez.
Dalawang bagong panukala ang napabilang sa 20 priority bills.
Ito ang Amendments to the Bank Deposits Secrecy Law at Anti Financial Accounts Scamming Act na kapwa aprubado na ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa kabuuan, 16 na sa dalawampung panukala ang aprubado sa Mababang Kapulungan at apat na lamang na nakabinbin.
Ito ang National Rightsizing Program; Unified System of Separation, Retirement and Pension of MUPs; National Employment Action Plan at Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
“Rest assured that we, in the House of People, will act on these pending three measures with careful dispatch,” dagdag ng House leader.| ulat ni Kathleen Jean Forbes