Pangulong Marcos, nanawagan sa Kongreso, para sa pagsasabatas ng 16 na panukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) upang manawagan ng suporta sa Kongreso para sa 16 na panukala ng admnistrasyon.

Kabilang dito ang mga tax measure na nasa ilalm ng medium-term fiscal framework, tulad ng:

Excise tax para sa single-use plastics

VAT sa digital services

Rationalization ng mining fiscal regime

Motor vehicle user’s charge o road user’s tax

Military and Uniformed Personnel Pension

Kabilang din dito ang panukala na a-amyenda sa:

Fisheries Code,

Anti-Agricultural Smuggling Act, at

Amendment sa Cooperative Code.

Kabilang rin sa mga ipinanawagan ng pangulo ang New Government Procurement Law, New Government Auditing Code, Anti-financial accounts scamming, Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) law, The Blue Economy law, Ease of paying taxes, LGU income classification, at ang The Philippine Immigration Act.

Pagbibigay diin ng pangulo, ang Palasyo at ang Kongreso ay mahigpit na nagtutulungan para sa pagsusulong ng buhay ng mga Pilipino.  | ulat ni Racquel Bayan

Halos 500, 000 bahay, napa-ilawan sa unang isang taon ng Marcos Administration. Mga hakbang tungo sa energy security, ibinida ng pangulo sa ikalawang SONA. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us