Vice President Sara Duterte, “no comment” sa pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nagbigay ng komento si Vice President Sara Z. Duterte nang hingan ng reaksyon ng media sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon sa ipinadalang mensahe ni VP Sara sa media, “no comment” siya sa desisyon na ito ng ICC.

Ngayong araw ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang apela ng bansa na itigil ang imbestigasyon nito hinggil sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Appeals Chamber, mayorya sa kanila ang pabor na ibasura ang apela ng bansa habang dalawa ang hindi pumabor sa pagbasura.

Dagdag pa nito, nabigo umano ang Pilipinas na mapatunayan ang mga argumento at mabigyang-diin ang punto upang makumbinsi ang mga mahistrado.

Dahil dito, maaari nang maipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan at kaniyang team ang imbestigasyon at saka dedesisyunan kung hahatulan ba ang mga opisyal na sangkot sa war on drugs.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us