2,304 na pulis, napatawan ng parusa sa termino ng Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na 2,304 pulis ang napatawan ng kaparusahan sa paglilinis ng hanay ng Philippine National Police sa loob ng termino ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na sa bilang na ito, 583 ang na-dismiss sa serbisyo, 129 ang na-demote, at 978 ang nasuspindi mula July 1, 2022 hanggang Agosto 2, 2023.

Habang 424 naman ang na-reprimand, 81 naman ang na-forfeit ang sahod, 61 ang naging subject ng restriction at 48 ang na-withhold ang pribilehiyo sa loob ng naturang panahon.

Tiniyak naman ni Abalos na karamihan pa rin ng mga tauhan ng PNP ang maayos na gumawa ng kanilang tungkulin, kasabay ng pagbibigay diin na ang mga pulis na nakagawa ng kamalian at nakasuhan ay wala pang isang porsyento ng mahigit 220 libong tauhan ng PNP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us