Enrollees sa mga pampublikong paaralan, umabot na sa mahigit 17 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral ang nagparehistro para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan.

Ayon sa Department of Education, umabot na sa 17.3 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll para sa darating na School Year 2023 – 2024.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang nitong August 22.

Pinakamarami ang nag-enroll sa Region IV-A na umabot sa 2.9 milyon, sinundan naman ito ng National Capital Region na may 2.2 milyon, at Region 3 na may 1.9 milyon.

Magpapatuloy naman ang enrollment hanggang sa August 26 kaya inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mag mag-aaral na magpapatala.

Dagdag pa ng DepEd, maaari ring mag-enroll ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System sa mga barangay, community learning center, at sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.

Matatandang inanunsyo ng DepEd ang opisyal ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us