Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Abril.
Ayon sa PSA, naitala sa 1.84-milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of April 1, 2023.
Bagamat mas mataas ito ng 30.8% mula noong buwan ng Marso, mas mababa naman ito sa 2.51-milyong metriko toneladang imbentaryo sa kaparehong buwan noong 2022 o may katumbas na annual decline na -26.5%.
Kung ikukumpara rin noong 2022, bumaba ang lebel ng imbentaryo sa lahat ng sektor kabilang ang household sector na may pagbaba ng -26.0%, commercial sector -26.9 percent, at National Food Authority (NFA) depositories sa -27.1 percent.
Kaugnay nito, 55% ng kabuuang rice stocks inventory nitong Abril ay mula sa household sector, 39.5% mula sa commercial sector, at 5.4% mula sa NFA depositories. | ulat ni Merry Ann Bastasa